Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda, ang dalagitang taga-Lipa, Batangas.
nakilala ni Rizal ang dalagang ito sa Troso, maynila sa bahay ng kanyang lola noong buwan ng
disyembre 1877, sampung buwan matapos makilala nya si Julia. Inilarawan ni Rizal si
Segunda na may mahabang buhok, matang nangungusap na maapoy kung minsan at mapanglaw naman sa
ibang pagkakataon, malarosas na kutis na may kasamang nakatutuksong ngiti, magagandang ngipin
at may kilos na malanimpa. Unang pagtatagpo nila ay nahilingan ni Rizal na iguhit niya ang
larawan ni Segunda na kanya namang pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis na pag-iibigan.
Pinigilan ni Rizal ang sarili na tuluyang mahalin si Segunda dahil batid niya na naipangako na
ito sa ibang lalaki, si Manuel Luz, subali't nagpatuloy pa rin siya sa pagdalaw dito.
Back to women