ipinanganak si Bracken noong October 3, 1876. ang kanyang mga magulang ay sina James Bracken at Elizabeth Jane MacBride mga Irish. ngunit namatay ang ina nya sa panganganak kaya't inalagaan siya ni Ginoong George Taufer. Inilarawan ni Rizal si Bracken bilang isang babaeng irish na 18 taong gulang, may gintong buhok, asul na mata at simpleng manamit pero elegante. Nagkita sila ni Rizal ng ipagamot ni Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan. pagkalipas ng isang buwan nagpasya ang dalawa na magpakasal subalit nalaman ito ni Ginoong Taufer, dahil sa pagaakalang iiwan ni Josephine ay nagbanta siyang magpakamatay. Nang bumalik si Taufer sa Hong Kong, bumalik din si Bracken sa Dapitan upang magpakasal kay rizal. Ngunit tinanggihan ito ni Padre Obach kaya't sila'y naghawak kamay at ikinasal ang kanilang sarili. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang kanilang anak na walong buwan pa lamang. Ito ay pinangalanan ni Rizal na Francisco. Bago mamatay si rizal, binigay niya muna ang librong imitation Of Christ ni Padre Thomas Kempis. Ikinasal si Josephine 2 taon matapos mamatay ni Rizal kay Vicente Abad.
Back to women